Book-ends, or Liham sa Nagpapaalam at Paparating

Dear 2012,

Salamat sa isang makabuluhang taon. Madami akong napuntahan ngayon taon – literally and figuratively. Malayo-layo din ang naabot ng aking mga paa ngayon. Madaming nakilala, nakamayan. Nakaranas ng kakaibang panahon. Nakakita ng snow, naka-babad sa dagat na wala sa Pinas. Madami akong naaalalang tawa at iyak sa taong ito. Salamat din dun, kasi madami akong natutunan dun. Next year, sabi ko sa sarili ko, madami akong challenges na haharapin, pero alam ko kaya ko.

Sa simula ng 2012, sabi ko may 5 bagay akong gustong makamit sa taong ito, at totoo nga, nagawa ko silang lahat – exactly that or in different forms, pero mas bongga! Naniniwala ako na sa 2013, maipagpapatuloy ko ito. At alam ko rin na suportahan ta ka ang moda mo when it comes to that. 

Salamat 2012. Wag kang mag-alala, nasa pictures at journal kita; hindi kita malilimot.

Dear 2013,

Parating ka na in a matter of hours. Pakiramdam ko, ang buong December ko ay paghahanda sa pagdating mo. Excited na kasi ako eh. Kasi alam ko madami kang bitbit para sa akin – masaya, malungkot, nakakagalit, nakaka-challenge, nakakatawa, nakakahiya. Keri lang, go lang ng go tayo.

Panalangin ko, 2013, sana maganda ang eleksyon na magaganap. Maganda in terms na maitatalaga ng mga Pinoy ang mga lider na kailangan nila, at least for the next 3 years, better if for long-term na pagbabago at pag-asenso. Sana walang masyadong bloodshed, both here in the Philippines and abroad. World Peace ay constant pa rin sa wish list ko.

Serenity and focus, mga bagay na unti-unting natututunan, ay naryan pa rin sa listahan.

Sana mas marami pang bata na magna-nais na magsilbi sa bayan, sa kanilang iba’t ibang paraan.

30 years na nyan ako next year, 2013. 3 dekadang pagkikilala at paghihinang sa sarili. Salamat sa pagkakataong iyon. Alam ko may iba pang facet ng pagkatao ko ang aking makikita next year. Ready na sana ako for that.

Tulungan mo rin ako 2013 na maibalik ang long, lean, and mean physique. Promise, exercise na ulit. At magbabalik sa pagiging strictly no red-meat after the NY parties.

Lastly, sana for 2013, mas madaming maniwala at mamuhay na naaayon sa TRUE LOVE, at hindi sa SILBI-SILBI. True love ang kailangan kasi ng mundo eh, para makabuluhang pagsisilbi ang magawa nating lahat. 

Yun lang naman po. See you soon 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s